closeness is the tendency that we fall in love to somebody..
hi.. iya nga pala.. 18 years old.. pashare lang.. di ko na kasi kayang itago ehh.. hehehe..
nakakainis lang.. di ko naman kasi akalain na tong closeness na to ehh matutuluyan at mapupunta sa LOVE.. :| kaibigan ko siya itago na lang natin siya sa code name na jes .. pareho kaming no relationship since birth ni jes..
recently, nainlove siya sa isa naming girl na friend.. pero di sila nagkatuluyan kasi si girl eh may BF noon.. so etong si jes brokenhearted.. that time brokenhearted din ako with someone so sakin siya humihingi ng comfort since pareho kami ng situation.. sa madalas naming magkasama sa school at magkatext kapag uwian naging mas close kami.. nakilala ko siya ng lubusan at ganun din siya sakin.. until one day sinabi niya na naka-move on na siya.. pero may conflict..
may common friend kami (classmate).. etong si classmate at si jes ehh laging partner kahit saan.. one time nagkwento sakin si classmate sabi niya: "mahilig ba si jes sa mga tawagan gaya ng honey? ganun?.."
sabi ko naman: "bakit tinawag ka niyang honey?"
sabi niya: "basta lang :D"
ako naman ehh: "yieeeee.. honey na tawagan nila.." pero deep inside parang kumirot yung puso ko..
that time nafeel ko na parang iba na to.. siguro nga gusto ni jes si classmate.. at ako parang nagsisimula ng magselos.. pinigilan kong mainlove sa kanya.. dahil kaibigan ko siya at alam kong kaibigan lang siguro ang tingin niya sakin.. pero sa araw araw na napapansin kong nagiging MAS CLOSE na sila jes at classmate di ko mapigilang magselos ng magselos ng magselos.. until one day.. di na kinausap ni jes si classmate.. di ko alam kung bakit.. basta ang sabi ni jes ayaw lang daw niya.. (malabo siya).. :D
ayun.. balik sa dati.. magkatext na ulit kami.. at one time sa text inasar ko si jes kay classmate.. sabi ni jes: "bakit ba inaasar mo kami?? wala naman akong gusto sa kanya.. na-assess ko na di ko naman pala siya gusto.. " and with that reply natuwa naman ako.. heto na naman ako.. naiinlove na ko kay jes sa loob loob ko.. dumagdag pa dun yung mga asaran ng mga kabarkada namin na bagay daw kami at kami na lang daw tutal pareho naman kaming single..
hanggang sa dumating yung araw na may nagsabing gusto daw ako ni jes.. inamin daw niya ito nung araw na naginuman sila at nalasing daw si jes.. kinilig naman ako.. at the same time natakot akong mainlove kasi baka naman di totoo tsaka baka dulot lang ng alak..
pero sa bawat araw na kasama ko si jes di ko mapigilang mainlove sa kanya.. pinilit kong layuan siya para di na ko mainlove sa kanya pero di ko din siya natiis.. natatakot ako kasi baka matulad lang to sa dati kong "ka-ibigan" na di ko din nakatuluyan.. hanggang ngayon CLOSE pa din kami.. tuloy pa din yung mga tuksuan, kulitan, kiligan.. at natatakot pa din ako.. ayoko siyang maging reason ng pagiyak ko someday.. pero ako kasi yung taong naniniwala sa kasabihang "if its meant to be, let it be.." haaaaayyyyyy..
the end.. :)
kinuha ku ito dito: